AGRIKULTURA: PAGHAHAYUPAN AT PANGINGISDA
Agrikultura
Ang agrikultura ay itinuturing na agham at sining sapagkat may kinalaman ito sa pagpapabuti ng mga halaman upang magkaroon ng marami at saganang ani. Ang agrikultura ay ang agham at sining ng paglilinang ng mga halaman at hayop. Ang agrikultura ay ang pangunahing pag-unlad sa pagtaas ng sedentary na sibilisasyong pantao, kung saan ang pagsasaka ng mga masasamang species ay lumikha ng mga surplus ng pagkain na pinapagana ng mga tao sa mga lungsod. Kabilang din ang pag-aalaga ng hayop na isa sa nagiging pagkain ng mga tao maliban sa halaman. Ang kasaysayan ng agrikultura ay nagsimula ng libu-libong taon na ang nakalipas.
http://www.expoveneto.it/fil/events/feeding/meat
Ito'y nakakatulong sa pamumuhay ng isang tao sapagkat ito'y nakakadagdag sa kaniyang kabuhayan.
Dahil sa pag-aalaga ng hayop nagkakaroon ka ng mga negosyo at hindi mo na kinakailangan bumili ng mga karne,manok at iba't iba pa sa mga pamilihan bagkus ay mayroon kana at sigurado ka pang ligtas ang iyong kalusugan sapagkat ikaw mismo ang nag-alaga rito.
- Ang paghahayupan ay tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop tulad ng kalabaw,baka,kambing, manok at pato.Ang layunin nito ay ang pagbibigay ng mga pangangailangan say Karne at iba pang mga pagkain.Ito ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng mga tagapag-alaga ng mga hayop.Ang layunin naman din nito ay ang pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
Mga suliranin ng paghahayupan at mga pwedeng solusyon:
Pagkaubos ng hayop-
Solusyon:Pagpapatayo ng breeding center
Pagkakaroon ng virus outbreaks-
Solusyon:Pagbibigay ng libreng bakuna at gamot
Pagtaas ng presyo ng feeds-
Solusyon:Paggamit ng organic feeds
Pagbabago ng panahon-
Solusyon:Pagkakaisa ng mga bansa para maiwasan ang dahilang nagpapalala at nagpapabago ng klima sa mundo
- Ang aming opinyon sa paghahayupan ay ito ang isa sa pinakamadaling hanapbuhay ng tao dahil dito ay makakakita ka na ng malaking halaga sa pamamagitan ng pagbebenta ng ina-alagaang hayop. Alam naman natin na ang karne na ating kinakain ay galing sa hayop yung iba ay galing sa palengke yung iba naman ay galing sa mismong ina-alagaan mong hayop. Ang pagkain ng maraming karne ay maaaring magdulot ng sakit kagaya ng high blood. Kaya bigyan ng limitasyon ang pagkain ng karne.
Ano ang pangingisda?
https://tnt.abante.com.ph/pangingisda-ng-pinoy-sa-scarborough-shoal-out-of-goodwill-spox/ |
Aang pangingisda ay isang marangal na trabaho ng isang mangingisda. Dito kumukuha ng kita ang mga mangingisda at ikinabubuhay nila lalo na ang mga nasa tabing dagat. Sa lawak ng katubigan sa bansa maraming yamang dagat ang makukuha rito. Nagbibigay kita rin sa bansa ang pangingisda dahil maraming bansa ang umaaangkat pa ng mga isda mula Pilipinas. Ngunit dahil sa illegal na pangingisda sumasama ang lagay ng mga yamang dagat. Pero patuloy parin ngayon ang paggamit ng mga illegal na pangingisda katulad ng paggamit ng mga dyinamita, maliliit na butas samga lambat at marami pang iba.
- Ang pangingisda naman ay tumutukoy say mga lamang dagat tulad ng isda,alimango,at iba pa.Kabilang rin dito ang paghuhuli ng hipon,at pag-aalaga ng halamang dagat.Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli sugpo,at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.Meron din itong tatlong nauuri,ito ay komersiyal,munisipal,at aquaculture.Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.Ang pangingisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba't ibang uri ng tubig pangisdaan-fresh(tabang), brackish (maalat-alat),at marine(maalat).Ang komersiyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
- Ang pangingisda naman ay isa rin sa pinakamadaling trabaho ng mga pilipino. Ito rin ang isa sa pinagkukunan natin ng pang araw araw na pagkain. Hindi madali para sa mga mangigisda ang pumalaot sa karagatan kapag may kalamidad na dumating kagaya nalamang ng bagyo.Ang pangingisda ay isa sa mga sektor ng agrikultura na dapat mapangalagaan, sapagkat dito kinukuha ang mga yamang dagat na maaaring mapagkakakitaan. May mga pangangailangan naman ang industriya na ang makapagtustos lamang ay ang karagatan.
Bloggers:
Andagan, Axel Auswen N.
Labadia, Earl Bryan B.
Sario, Aimel E.
Manalili, Angelica C.
Villaflores, Kenjie A.
Araling Panlipunan 9 (ekonomiks)
Grade IX- Plato
S.Y. 2019-2020
Badian National Highschool
Badian, Cebu
Comments
Post a Comment